Biyahe ng CebuPac sa South Korea kinansela na

Kanselado na ang mga biyahe ng Cebu Pacific sa South Korea mula sa Martes, Marso 3 hanggang sa Abril 30, 2020.

Kasunod ito ng ipinalabas na ‘travel restrictions’ na ipinag-utos ng gobyerno.

Ang mga kanseladong biyahe ay ang sumusunod:
– 5J 188/ 5J 187 Manila-Incheon-Manila
– 5J 128 / 5J 129 Cebu-Incheon-Cebu
– 5J 180 / 5J 181 Kalibo-Incheon-Kalibo

Sa abiso ng Cebu Pacific, ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook ng biyahe mula February 29 hanggang sa Lunes, March 2.

Para sa mga magpapalipat ng araw ng biyahe ay maaring lumipad hanggang Hunyo 30, 2020.

Maari din nilang ipa-refund ang pasahe o ilagay ito sa travel fund.

Una nang ipinag-utos ng gobyerno ang pansamantalang hindi pagbiyahe ng mga Filipino sa South Korea mula dito sa bansa maliban sa mga overseas Filipino worker (OFW), mga Filipino student na nag-aaral sa South Korea, at ang mga permanent resident.

Read more...