Cease and desist order sa konstruksyon ng istasyon ng MRT-7 sa Quezon City Memorial Circle binawi na ng QC LGU

Binawi na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inilabas na temporary cease and desist order sa konstruksyon ng istasyon ng MRT-7 sa Quezon Memorial Circle.

Ito ay matapos maaprubahan na ang bagong structural design para sa istasyon.

Ang disenyo ay iprinisinta sa Quezon City LGU ng EEI at ng San Miguel Corporation.

Mula sa 11,000 square meters ay ibinaba na sa 426 square meters na lamang ang lawak ng train station.

Nagpasalamat naman si Belmonte sa DOTr at sa San Miguel Corp. dahil binigyang-pansin ang concern ng lokal na pamahalaan.

 

Read more...