Sunog sumiklab sa Parañaque City umabot sa Task Force Alpha

Tinupok ng apoy ang residential area sa Parañaque City.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 6:00 ng hapon sa bahagi ng Reyes Street, Fourt Estate sa Brgy. San Antonio.

Itinaas ito sa unang alarma alas 5:43 ng hapon.

Pero dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, umabot na sa Task Force Alpha ang sunog.

Alas 7:27 ng gabi nang maideklarang kontrolado na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...