85% ng mga sinuri dahil sa COVID-19 nag-negatibo sa sakit ayon sa DOH

Malaking bilang ng mga itinuring na persons unider investigation (PUIs) dahil sa COVID-19 ang nag-negatibo sa pagsusuri.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, 531 mula sa 618 na samples na kinuha sa mga PUIs ay negatibo ang resulta.

Sa 618 na PUIs, 588 na pasyente na ang nakalabas na ng ospital.

30 pasyente naman ang nananatiling naka-admit.

Habang mayroon pang 40 samples na kinuha sa mga pasyente ang hinihintay pa ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Read more...