Ito na ang ikalawang araw na hindi maganda ang pakiramdam ng 83 anyos na Santo Papa.
Natuloy naman ang pagdaraos ng morning mass ng Santo Papa pero kinansela na ang mga official audience niya.
Hindi naman binanggit ng Vatican kung anong eksaktong sakit ng Santo Papa.
Pero noong misa para sa Ash Wednesday ay napansin ng marami na inuubo at sinisipon si Pope Francis.
Noong Huwebes ay kinansela na rin niya ang dapat sana ay pagdaraos ng Misa kasama ang mga pari sa Roma.
Â
MOST READ
LATEST STORIES