1 pang pasahero ng MV Diamond Princess pumanaw sa COVID-19

Isa pang pasahero ng MV Diamond Princess na tinamaan ng COVID-19 ang nasawi habang nasa ospital.

Ayon sa Japanese Health Ministry, ang nasawi ay isang Japanese na babae na nasa edad 70.

Kabilang sa mga pasahero ng COVID-19 na isinailalim sa quarantine sa Yokohama, Japan.

Ito na ang ikalimang pasyente na nasawi sa COVID-19 na mula sa Diamond Princess.

Mahigit 700 na ang naitatalang kaso ng naturang sakit mula sa cruise ship.

Read more...