PACC chair Dante Jimenez itinalaga bilang co-chairman ng ICAD

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ang appointment paper ni Jimenez ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Feb. 21.

Ginawa ang pagtalaga kay Jimenez matapos na sibakin naman sa naturang pwesto si Vice President Leni Robredo.

Si Robredo ay nagsilbi lamang sa loob ng halos tatlong linggo bilang co-chair ng anti-drug body.

Read more...