Weekend reblocking ikakasa ng DPWH sa ilang kalsada sa Metro Manila

Simula mamayang alas-11:00 ng gabi ilang bahagi ng ilang kalsada sa Metro Manila ang hindi madadaanan dahil sa re-blocking at repair na gagawin ng DPWH.

Sa ipinalabas na abiso ng MMDA, ang maapektuhan ay ang South-bound portion ng A. Bonifacio Ave. J. Manuel hanggang Sgt. Rivera St. (3rd lane mula sa sidewalk); EDSA Guzent hanggang Bansalangin St. (5th lane mula sa sidewalk); at EDSA papalapit ng P. Tuazon flyover hanggang A. of Boni Serrano flyover (3rd lane mula sa MRT Line).

Sa West-bound naman ay ang mga sumusunod; General Luis St. SB Road hanggang Samote St., at Elliptical Road cor. Maharlika St. (9th lane mula sa outer sidewalk).

Sa North-bound ay ang EDSA QC makalagpas ng Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane mula sa sidewalk).

Samantala, muling magagamit ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada ala-5 ng madaling araw sa Lunes, Marso 2.

Read more...