10 bahay nasunog sa Calbayog City

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Capoocan sa Calbayog City.

Sampung bahay ang nasunog nang tuluyan habang anim pa ang napinsala.

Ayon kay Calbayog City Fire Marshall Fire Inspector Eusebio Elona, wala namang nasugatan sa insidente.

Tinatayang aabot sa P120,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...