Miyembro ng sindikato ng gun running arestado sa buy-bust sa Pasay

Hindi na nakapalag ang isang sinasabing miyembro ng isang gun running syndicate nang arestuhin siya ng mga pulis sa parking lot ng Mall of Asia sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Wilson Kho Bolante, 39 anyos at residente ng Garden Villas sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa ulat, naaresto si Bolante sa pagpapatupad ng Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ng pinagsanib na puwersa ng CIDG, Special Action Force at Regional Intelligence Unit alas 9:50 Huwebes ng gabi.

Kabilang sa mga nakuha sa suspek ang dalawang M4 rifles at isang PNP athletic shirt.

Base sa intelligence report, miyembro ng Nido Group si Bolante at ang kanyang grupo ay ilegal na nagbebenta ng mga baril.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Act.

Read more...