Visa-free travel para sa mga South Korean sususpindihin ng Vietnam

Suspindihin na ng pamahalaan ng Vietnam ang visa-free travel nito para sa mga South Korean.

Ito ay kasunod ng paglaganap ng sakit na COVID-19 sa South Korea na pumapangalawa na sa China sa may pinakamaraming kaso ng sakit.

Kinumpirma naman ng South Korean embassy na natangap na nila ang notice mula sa Vietnam hinggil sa suspensyon ng visa-free travel.

Umabot na sa mahigit 2,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Read more...