Pulisya iniimbestigahan kung POGO related ang pagpatay sa isang Chinese sa Makati

Iniimbestigahan na ng Southern Police District (SPD) kung POGO related ba ang kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa isang Chinese National sa isang restaurant sa Makati City.

Ayon kay Police Colonel Emmanuel Peralta, sa inisyal na imbestigasyon, lumitaw na pagnanakaw ang motibo sa insidente matapos makumispika ang mahigit P300,000 sa mga suspek na nadakip.

Ang nasabing pera ay dala umano ng biktima.

Pumasok ang mga suspek sa restaurant at saka binaril ang biktima at isa pang kasama nito.

Agad nasawi sa nasabing insidente ang lalaking Chinese habang sugatan ang kaniyang kasama.

Nadakip naman ang dalawa sa mga suspek habang pinaghahanap ang isa pa.

Read more...