Serye ng concert ng BTS sa Seoul kanselado na dahil sa COVID-19

Kinansela na ng K-pop group na BTS ang serye ng concerts nila na gaganapin dapat sa Seoul.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Aynon sa agency ng BTS na Big Hit Entertainment, hindi na matutuloy ang “Map of the Soul Tour – Seoul” ng grupo na dapat ay gaganapin sa Abril.

Nakasaad sa abiso na mahirap i-predict ang kasalukuyang outbreak ng sakit.

Humingi ng pang-unawa ang agency ng BTS at sinabing dumaan sa masusing pag-aaral ang desisyon.

Read more...