Sa desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan sinabi nito na not guilty si Purisima sa walong bilang ng perjury na inihain dito.
Sinabi ng korte na nabigo ang prosekusyon na maghain ng sapat na ebidensya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Purisima sa kasonh ibinibintang sa kanya.
Dahil dito, ipinag utos ng anti graft court na ibalik ang inilagak na pyansa ng dating pnp chief gayundin ipinatatanggal na ang hold departure order laban dito maliban kung may iba pang kaso na nakasampa sa kanya.
Ang kasong perjury ay nag ugat sa sinasabing hindi paghahain ni Purisima ng tamang SALN noong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.
READ NEXT
Resolusyon na nagpapataw ng partial travel bansa South Korea inilabas na ng inter-agency task force
MOST READ
LATEST STORIES