8 Korean national sa Boracay pababalikin ng South Korea ngayong araw

Courtesy of Tatak Boracay

Babalik sa South Korea ngayong araw ang 8 sa 11 Korean nationals na binantayan ng mga health authority sa Boracay.

Alas 10:45 ng umaga ang alis ng flight na sasakyan ng walong dayuhan sa Kalibo International Airport.

Ang tatlong iba pang Korean nationals ay bukas naman araw ng Sabado nakatakdang umalis ng bansa.

Ang 11 South Koreans ay dumating sa Boracay noong February 25 isang araw bago ipatupad ang travel ban sa mga biyahero mula sa North Gyeongsang Province.

Dahil sa travel ban ay isinailalim sa monitoring ang naturang mga dayuhan habang sila ay nasa Boracay.

Read more...