Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar ipinagbawal na ni Pangulong Duterte

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ban sa paggawa, pagbebenta, at pagpapakalat ng mga hindi rehistradong e-cigarette o vape products.

Sa ilalim ng nilagdaang Executive Order number 106 ng pangulo, bawal na rin ang gumamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Nakasaad sa EO na lahat ng e-liquids, solutions o refills ng Electronic Nicotine ang Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) o heated tobacco products (HTPs) ay dapat iparehistro sa Food and Drug Administration (FDA).

Ang mga device na may sangkap ng ENDS/ENNDS o HTPs ay dapat pumasa sa standards na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry at ng FDA.

Nakatakdang magpalabas ang FDA ng rules, regulations, at standards para sa pagpaparehistro ng vape products at mga sangkap nito.

Lalamanin din ng guidelines ang pag-iisyu ng License to Operate sa lahat ng establisyimento na sangkot sa paggawa at pagbebenta ng vape at mga sangkap nito.

Base sa EO, ipinagbabawal na rin ang paggamit at pagbebenta ng vape sa mga edad 21 pababa.

Read more...