Sa ilalim ng Proclamation No. 907 ng pangulo, tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Pebrero ay gugunitain ang “National Hazing Prevention Week”.
Inaatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na magsilbi bilang lead agency para sa taunang paggunita.
Ang pangunahing objective ng “National Hazing Prevention Week” ay ang pagpapalakas ng kampanya ng pamahalaan laban sa hazing at iba pang fraternity-related violence.
Inaatasan din ang iba pang ahensya ng pamahalaan kabilang ang mga LGUs, Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), state universities and colleges, at maging ang pribadong sektor na makiiisa sa taunang paggunita at mga aktibidad na ilalatag ng CHED.