Kaso ng COVID-19 sa South Korea mahigit 2,000 na

Sumampa na sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga taong tinamaan ng COVID-19 sa South Korea.

Ito ay makaraang makapagtala ng 256 na panibagong kaso ng sakit sa nasabing bansa sa nakalipas na magdamag.

Sa nasabing bilang, 182 ang naitala sa Southeastern City ng Daegu.

Dahil dito umabot na sa 2,022 ang COVID-19 cases sa South Korea.

Ang South Korea ang pangalawang bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng China.

Read more...