8 sa 80 Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa MV Diamond Princess nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na sa bansa ang walong Pinoy crew ng MV Diamond Princess sa Japan na unang tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang walo ay kabilang sa 10 Filipino crew ng barko na gumaling na at nag-negatibo na sa sakit at nakalabas na ng ospital.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DOH Asec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sila sa 80 Pinoy mula sa MV Diamond Princess na tinamaan ng COVID-19.

Kahapon sila dumating sa Pilipinas.

Pagdating sa bansa ay kinuha ang mga mahahalagang detalye mula sa mga Pinoy dahil kailangan pa rin silang mabantayan.

Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay itinuturing na persons under monitoring (PUMs) ang walong Pinoy.

Sa 80 na nagpositibo sa sakit, 10 ang gumaling na at nag-negatibo na sa tests.

Read more...