26 na South Koreans na dumating sa Cebu City sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine

Sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine ang 26 na South Koreans na dumating sa Cebu City isang araw bago maipatupad ang travel ban sa Daegu City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Asec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health (DOH) ang 26 ay nakasailalim na sa 14 na araw quarantine sa hotel kung saan sila nanunuluyan.

Sinabi ni Vergeire na inatasan ng local government ng Cebu ang mga hotel owner na panatilihin lamang ang mga dayuhan sa hotel sa loob ng 14 na araw na quarantine period.

Ang 26 na South Koreans ay dumating sa Cebu City noong February 25 o isang araw bago maipatupad ang partial travel ban sa naturang bansa.

Mayroong direktang flight mula at patungong Daegu City sa Mactan Cebu International Airport.

Read more...