22 volcanic earthquakes naitala sa nakalipas na magdamag sa Bulkang Taal

Umabot sa 22 ang volcanic earthquakes na naitala sa nakalipas na magdamag sa Bulkang Taal.

Ayon sa 8AM Taal Volcano bulletin ng Phivolcs, pawang mahihinang pagyanig lang ang naitala at hindi naman naramdaman ng mga residente.

Sa magdamag ay nagkaroon din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 50 meters.

Nakataas pa rin ang Alert Level 2 Taal Volcano at ayon sa Phivolcs maari pa ring magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at pagbubuga ng volcanic gas ang bulkan.

Read more...