China nakapagtala ng 44 pa na panibagong bilang ng nasawi dahil COVID-19

Nakapagtala ng 44 na panibagong bilang ng nasawi sa mainland China dahil sa COVID-19.

Dahil dito umabot na sa 2,788 ang kabuuang bilang ng nasawi sa China. Mayroon naman nang 78,825 COVID-19 cases sa nasabing bansa.

Mayroon ding 70 na nasawi sa iba pang mga bansa na apektado ng sakit.

Kabilang dito ang mga sumusunod na bansa:

Iran – 26
Italy – 17
South Korea – 13
Japan – 8 (kabilang ang 4 mula sa MV Diamond Princess)
Hong Kong – 2
France – 2
Taiwan – 1
Pilipinas – 1

Umabot na sa mahigit 83,100 ang naitalang kaso ng COVID-19 mayorya nito o mahigit 78,000 ay sa China.

Ang South Korea naman ay mayroon nang 1,766 na kaso.

 

Read more...