Inumpishan na ang pagsusuri sa 200,000 miyembro ng relihiyon sa South Korea na pinaniniwalaang nalantad sa pasyenteng mayroong COVID-19.
Matapos umani ng pagtutol, inilabas na rin ng relihiyong “Shincheonji” ang listahan ng 212,000 nilang mga miyembro.
Susuriin silang lahat para malaman kung sila ay mayroong sintomas ng flu at iba pang respiratory disease.
Ayon kay South Korean vice health minister Kim Gang-lip, kapag nakitaan ng sintomas ay agad silang isasailalim sa home quarantine.
Ang kaso sa South Korea nagsimula sa isang 61 na babae na dumalo sa misa sa naturang sekta sa Daegu City.
READ NEXT
Dalawa sa tatlong Pinoy sa New Clark City na nagpakita ng sintomas ng COVID-19, negatibo sa sakit
MOST READ
LATEST STORIES