Dalawa sa tatlong Pinoy sa New Clark City na nagpakita ng sintomas ng COVID-19, negatibo sa sakit

Negatibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang dalawa sa tatlong Pinoy repatriates na nasa New Clark City o NCC na nagpakita ng sintomas ng naturang sakit.

Ito ang kinumpirma ni Asec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health (DOH).

Ayon sa opisyal, hinihintay pa naman ng DOH ang test result sa isa pang sinusuri na repatriate na naka-quarantine sa NCC.

Ang mga repatriate ay crew ng MV Diamond Princess na galing sa Japan.

Kahapon ay inanunsyo ng DOH na nakitaan ng sintomas ang tatlong Pinoy, na kabilang sa mahigit 400 crew ng cruise ship na umuwi sa Pilipinas.

Dalawa sa pasyente ay may sore throat, habang ang isa ay nakaranas ng ubo.

Read more...