Netherlands nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Mayroon na ring kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Netherlands.

Kinumpirma ng Ministry of Health ng Netherlands na isa ang nagpositibo sa naturang sakit.

Ayon sa Health Ministry, ang pasyente ay may history ng biyahe sa Lombardy region sa Northern Italy na apektado ng COVID-19.

Isinailalim na sa isolation ang pasyente at nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

TIniyak naman ni Dutch Prime Minister Mark Rutte na ginagawa ang lahat ng hakbang para mapaghandaan ang posibleng outbreak COVID-19.

Read more...