3 arestado sa buy-bust sa QC; P81,000 halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska

Timbog ang 3 lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Balon Bato sa Quezon City, Huwebes ng gabi (February 27).

Ang mga naaresto ay pawang mga walang trabaho.

Ayon kay Police Cpl. Raymark Paligutan ng Quezon City Police District Station 3, isa sa tatlong naaresto nila ay ang target ng operasyon.

Nakumpiska sa mga suspek ng 16 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 12 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P81,000.

Aminado namang nagtutulak ng ilegal na droga ang tatlo para umano may ipambili sila ng makakain.

Read more...