Ito ay batay sa inilabas na datos ng Metro Manila Development Authority – Traffic Engineering Center (MMDA-TEC) – Road Safety Unit.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kabuuang 121,771 na road crashes ang naitala noong 2019 sa Metro Manila.
Pawang fatal, non-fatal, at Damage to Property (DTP) ang klasipikasyon ng mga nangyaring aksidente.
Mahigit 40,500 sa mga aksidente ay naitala sa pitong major roads sa bansa kabilang ang mga sumusunod:
1. EDSA
2. C5
3. Commonwealth
4. Roxas Boulevard
5. Marcos Highway
6. Quezon Avenue
7. R10
Ang mga sasakyang sangkot sa aksidente ay pedicab, tricycle, kotse, jeep, taxi, bus, truck at van.