Ayon sa PAGASA, Northeast Monsoon o Amihan ang nakaaapekto sa Luzon.
Dahil dito, aasahan lamang ang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Maulap na papawirin ang iiral na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas dahil sa easterlies.
Easterlies din ang nakaaapekto sa Mindanao, kaya makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Cagara at Davao Region.
Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Group of Islands, Eastern coast ng Catanduanes at Northern at Eastern Coasts ng Samar Provinces.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na 2 hanggang 3 araw.