Epekto ng Amihan, bahagyang bumalik sa ilang bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Bahagyang bumalik ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan sa ilang parte ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na umiiral ang Amihan sa extreme Northern Luzon.

Patuloy naman aniyang makararanas ng maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila maliban sa isolated light rains.

Dagdag pa ni Ordinario, walang namamataang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...