“TWICE ROBBED” sa OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz

Magkukuwento ako. Hindi ko lang alam kung paano isinulat ang police report tungkol dito. Di ko pa kasi nababasa.

Charge to experience na lang sana ito kung hindi lang medyo bastusan ang nangyari. Hindi ako ang nabastos kahit ang opisina ko sa Olongapo City ang ninakawan. Ang mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ang binastos ng magnanakaw. In-progress ang imbestigasyon, tumira ng ikalawa ang magnanakaw. By the looks of it, the same person, but not without aid. May kasapakat ito.

Short-cut ko na lang ang kuwento ha!

February 20, pasado alas nuwebe ng umaga nang tawagan ako ng may-ari ng building to inform me of the robbery. Nasa Metro Manila ako noon, excited and preparing for the opening of my art exhibit at Winford Resort and Casino. May mga kinatawan ako nang pumunta ang mga pulis at tignan ang loob ng opisina.

Wag daw gagalawin kahit ano because crime scene eh. Susunod daw ang mga taga SOCO. Ang kandadong dinistrungka pinalitan ng bago.

Next scene. February 21, Friday, dumating ako sa Olongapo ng mga past 4pm, almost 5 in the afternoon. Mabagal kasi akong mag-maneho because of the June 2019 stroke. (Sino ba naman niloko ko? Mabagal talaga akong mag-maneho, period).

So ito na bungad ko pa lang ang dami na pulis at ito balita, “Ma’am, ninakawan po uli kayo. Binalikan ang printer n’yo.” Yung ipinalit na kandado, sinira uli.

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. Pero ang isip ko, natatawa sa sitwasyon. (Oo naman, natatawa ang isip, try n’yo minsan).

‘Yung imbestigador na nandoon, ang sabi pa sa akin, “Kayo po speaker noong graduation namin”. To which I replied, “Thank you sa pagpapaalala ng edad ko”.

The same investigator asked me kung ano ang mga nawala. TV na 32 inches na Hisense ang tatak, monitor ‘pag nag-edit si Dian, kanya ‘yun actually, na 21 inches at Samsung ang tatak, ‘yung printer, plus late ko na napansin, yung transistor radio na lumang-luma na pero mahal na mahal ko at ayaw itapon o ipamigay. Kung ipamimigay nga iyon, ako rin sasalo. So nagkuwenta ang imbestigador, wala pang 50k ang nawala. 6k yung monitor ni Dian, 8k yung TV set na kung pinagbigyan ko ungot ni Lea, sa kanya na sana, mga 8k ‘yun, printer, bagu-bago 14k plus ang mahal kong transistor radio, 500 pesos ang halaga.

Tawag sa SOCO ‘yung imbestigador tapos maya-maya ang sabi sa akin, ” Ma’am wala pong darating na SOCO dahil less than 200 thousand pesos lang po nawala”. Sagot ko, “Ah ganun ba?” (Channeling my good friend Eric Borromeo).

Tapos may biglang nagsalita sa isa sa mga pulis. May CCTV sa Dental Clinic sa baba at kuha daw yung suspek. Eh tagilid, may kadiliman. Sabi ko, “Hindi ba may clear search na kayo?” Based sa time code sa CCTV, 6 minutes lang n’ya ginawa ang pagwasak sa ipinalit na kandado.

Anyways, the point here is the brazen act knowing fully well that the police are already investigating. Walang takot sa pulis. Na-imagine ko na tatawa-tawa itong mokong na ito. Ako ang nainsulto on behalf of the police.

The journalist in me sees the angle in the story siyempre. Tumawag ako kay General Guillermo Eleazar to point out the bold act and seemingly without fear of the presence of authorities. Nasalisihan. Nagmamatyag, umalis sandali ang mga pulis, ayun nag-I shall return. Sinabi ko rin ‘yung walang SOCO dahil less than 200 thousand pesos ang nawala. Wala raw ganoong policy sa PNP. I believe him. Pero hindi rin nagsisinungaling ‘yung imbestigador na ‘yun ang rason bakit walang SOCO.

It could have been an isolated case but I was told by another police officer in Olongapo na tinawagan ni Eleazar na marami raw talagang nakawan sa Olongapo at marami mahirap at lulong sa droga. Again, channeling Eric, I said, “Ah ganun ba?” So I am supposed to leave it at that? May nakawan din sa ibang lugar sa Olongapo I was told.

Kanina lang bago ko isulat ito, tumawag sa akin ang imbestigador na may hawak sa kaso. Magsampa na raw kami ng kaso. Tanong ko, ” Na-identify na po ba yung nasa CCTV?” Hindi pa. Pero may suspek na daw na taga-Bulacan (taga Bulacan, sa Olongapo nagnanakaw?) at may dati ng kaso ng pagnanakaw. May witness na rin daw. Again nagtanong ako, “Sigurado po ba na ‘yung nahuli ng CCTV yun ang kakasuhan?” Silence. Then, “Puwede naman pong magsampa ng kaso kahit at large pa.”

Pinakiramdaman ko sarili ko. Hindi ako galit sa nangyaring pagnanakaw. Pero istorya ito, maliit na halaga ang involved pero istorya pa rin. In a matter of 24 hours o kahit pa 48 hours. Same office nilooban habang on-going ang police investigation. One interesting entry sa blotter kahit sino pa ang victim.

Again, hindi ako ang mabibigyan ng pabor kapag nahuli ang suspek. The police investigating the robbery owe it to themselves to catch the one caught on CCTV. Sinalisihan kayo. Hindi ako. Noong una ako. Umulit. Ikalawa, kayo na nginangatngatan.

Read more...