Prequel ng “Four Sisters and a Wedding,” inanunsiyo na

Inanunsiyo na ang pagsasagawa ng prequel ng pelikulang “Four Sisters and a Wedding.”

Sa Instagram, sinabi ng Star Cinema na ang prequel ay may titulong “Four Sisters Before the Wedding.”

Makikita sa mga ibinahaging larawan ng Star Cinema na pagbibidahan ang pelikula nina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.

Si Giselle Andres ang magiging direktor ng nasabing pelikula. Si Andres ang assistant director ni Cathy Garcia-Molina sa 2013 comedy-drama.

Matatandaang gumanap sa 2013 film si Toni Gonzaga-Soriano bilang Teddie, Bea Alonzo bilang Bobbie, Angel Locsin bilang Alex at Shaina Magdayao bilang Gabbie.

Read more...