WATCH: Pahayag ni Pangulong Duterte na magpasakop na lang ang Pilipinas sa US o China, kantyaw lang – Palasyo

Pangangantyaw lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sariling bansa ang pahayag na dapat nang mamili ang taong bayan na maging teritoryo ng Amerika o maging probinsya ng China.

Ito ay kung hindi kakayanin ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumayo sa sariling paa matapos ibasura ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, general statement lamang ang pahayag ng pangulo.

Sinabi pa ni Panelo na ginawang reference lamang ng pangulo ang China.

Wala naman kasi aniyang kalaban ang Pilipinas maliban sa mga komunista, New People’s Army (NPA), rebeldeng Muslim at mga terorista.

Sinabi pa ni Panelo na binibigyang diin lamang ng pangulo na kung hindi kaya ng pamahalaan na supilin ang mga nabanggit na problema ay wala nang karapatan ang gobyerno na pamahalaan pa ang bansa at magpasakop na lamang sa Amerika o china o sa alinmang bansa.

“Kantyaw ‘yun sa sarili nating bansa kung hindi natin kaya eh wag na tayong magkaroon ng gobyerno,” ani Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

Read more...