sa isang ambush interview, sinabi ni Cayetano na 20 kongresista ang kinausap ni Velasco na pinangakuan ng chairmanship sa mga komite.
Sinabihan din anya ang mga ito na may budget si Velasco para sa mga ito.
Ang nasabing hakbang anya ay nagdudulot ng pagkakahati-hati sa Kamara.
Dahil dito, sinabihan ng House Speaker ang mga pinuno ng komite at iba pang nasa leadership ng Kamara na hindi makapaghintay ng panahon para mapaupo si Velasco ay magbitiw na muna ang mga ito at saka na lamang bumalik kapag si Velasco na ang House Speaker.
Babala nito, kapag nagpatuloy ang ginagawa ng mga nasa liderato ng Kamara na pananabotahe sa kanyang pamumuno ay aalisin niya ang mga ito sa puwesto.
Iginiit naman ni Cayetano na susundin ang napag-usapan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usapin ng House leadership kaya walang dapat ikabahala si Velasco.