Operasyon ng LRT-2, pansamantalang sinuspinde dahil sa technical problem

(UPDATED) Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Huwebes ng hapon.

Sa Twitter, sinabi ng Light rail Transit Authority (LRTA) na ito ay bunsod ng naranasang technical problem.

Agad anilang nagsagawa ng hauling procedure sa nasabing linya ng tren.

Bandang 2:52 ng hapon, inialis din ang Code Red o temporary suspension ng operasyon

Humingi naman ng paumanhin ang LRTA sa mga apektadong pasahero.

Read more...