LOOK: AirAsia flights patungong Taiwan, balik-normal na

Photo grab from Clark International Airport Facebook account

Magbabalik-normal na ang ilang biyahe ng AirAsia patungong Taiwan simula sa March 1.

Kasunod nito ng pag-aalis ng travel ban sa Taiwan.

Sa abiso ng Clark International Airport, magbabalik-normal na ang mga sumusunod na biyahe:

Tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo:
– Z2 5126 Clark – Taipei
– Z2 5127 Taipei – Clark

Tuwing Martes, Huwebes at Sabado:
– Z2 5134 Clark – Kaohsiung
– Z2 5135 Kaohsiung – Clark

Sinabi sa abiso na tuloy ang biyahe ng mga pasahero na hindi nagbago ng kanilang booking.

Asahan anilang makakatanggap ng notification sa pamamagita ng email at text message kung hindi nagbago ng kanilang booking.

Read more...