Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 177 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:48 ng hapon.

11 kilometers at tectonic ang origin ng lindol.

Ayon sa Phivolcs, walang nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...