Isa pang OFW nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na isa pang Pinay ang nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Base sa impormasyon mula sa Hong Kong Health Department na ipinabatid sa Consulate General isang 29 anyos na Pinay ang nagpositibo sa COVID-19.

Agad namang gumawa ng paraan ang consular office sa para makausap ang Pinay.

Maayos umano ang lagay nito at wala naman nang lagnat. Tiniyak din ng Pinay na nababantayan siya ng mabuti at napapangalagaan sa ospital habang nasa isolation.

Ito na ang ikalawang OFW na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Ang unang Filipino COVID-19 patient ay nakatakda nang makalabas ng ospital ngayong linggo makaraang mag-negatibo na sa sakit.

Mayroon naman pang isang Pinoy sa Hong Kong ang naka-quarantine pero wala naman itong ipinakikitang sintomas at maaring makalabas na bukas.

Read more...