DOJ makikipagpulong sa South Korean embassy kaugnay sa travel ban bunsod ng banta ng COVID-19

Nakatakdang makipagpulong ang Department of Justice o DOJ at Bureau of Immigation o BI sa mga opisyal ng South Korean Embassy kaugnay sa idineklarang travel ban sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Usec. Markk Perete, bukas (Feb. 28) ang inaasahang meeting ng DOJ at BI kasama ang mga opisyal ng SoKor Embassy upang mabatid kung papaano epektibong maipatutupad ang travel ban.

Kabilang sa mga maaaring mapag-usapan din ay ang pagtukoy sa mga biyahero na mula sa mga lugar na sakop ng ban, at maglatag ng coordinating mechanisms upang maging maayos ang pagpapatupad ng travel ban.

Kinumpirma rin Perete na nag-alok na ng assistance ang Consul General para sa maayos ang pagpapairal ng travel ban.

Ang BI naman ay inatasan na rin na i-monitor ng mabuti ang pagpapatupad ng mga Immigration officer sa travel ban.

Batay sa rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force, may travel ban o pagbabawal sa biyahe mula North Gyeonsang Province.

Ang biyahe naman patungong South Korea ay ipagbabawal na rin, pero may exceptions o hindi sakop ng ban ang mga OFW, mga estudyante at permanent residents na pawang papayagang makabiyahe.

Read more...