Sa kabila ito ng travel ban ng gobyerno ng Pilipinas sa ilang bahagi ng South Korea dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), 22 flights na papuntang South Korea at pabalik ng Pilipinas ang naka-schedule ngayong araw sa NAIA Terminal 3.
Sa NAIA Terminal 1, naman 12 flights papuntang South Korea at pabalik ng Pilipinas ang nakas-chedule kabilang ang 6 na flights ng Korean Airlines, 2 flights ng Jeju Air, at 4 na flights ng Asiana Airlines.
Habang 4 na flights naman ng Philippine Airlines ang nakaschedule sa NAIA Terminal 2 at 6 naman sa NAIA Terminal 3, 2 ang flights ng Cebu Pacific at 4 na flights naman ang sa Air Asia.
Nilinaw ng MIAA na hindi sakop ng travel ban ang biyahe ng mga eroplano kundi mga pasahero lamang.
Nangangahulugan ito na kung may mga naka-book na sa arrival area at nakatakdang dumating ngayong araw ay tatanggapin pa rin ito, pero kung mga dayuhan ang papasok ay bawal na.
Subject for home quarantine naman ang mga Pinoy na manggagaling sa South Korea.