OIC ng NBI nag-courtesy call kay Justice Sec. Guevarra

Bumisita kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang bagong talagang officer-in-charge sa National Bureau of Investigation (NBI) na si Eric Bito-on Distor.

Ito ay makaraang Matanggap na ni Guevarra ang memorandum order ng Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi ni Distor na wala namang partikular na iniatas sa kanya si Guevarra at ang tanging sinabi lang anya sa kanya ay magtrabaho lang ng tama at naaayon sa batas.

Matapos naman ng closed-door na courtesy call ay hindi na nagpa-interview sa media si Distor at Guevarra.

Itinalagang OIC si Distor makaraang sumapit na sa mandatory retirement age si dating NBI Director Gierran.

Read more...