Online check-in sa international flights sinuspinde ng Cebu Pacific

Pansamantalang sinuspinde ng Cebu Pacific ang online check-in nito para sa international flights dahil sa COVID-19 scare.

Layon nitong matiyak na lahat ng pasahero masusuri muna para maiwasan pa ang paglaganap ng sakit.

Sa sandaling mag-check in sila sa airport ay susuriin din ang travel history ng pasahero partikular ang mga pinanggalingan nilang mga bansa.

Maari pa rin namang magamit ang online check-in ng Cebu Pacific para sa domestic flights. (END)

Read more...