32 pa nasawi dahil sa COVID-19 sa China; nasasawi sa iba pang mga bansa patuloy na nadaragdagan

Tatlumpu’t dalawa pang panibagong bilang ng mga nasawi ang naitala sa China dahil sa COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 2,747 ang bilang ng mga nasawi sa mainland China dahil sa sakit.

Samantala, nakapagtala na ng 56 na mga nasawi sa iba pang mga bansang apektado ng COVID-19.

Kabilang dito ang sumusunod na mga bansa:

Iran – 19
South Korea – 12
Italy – 12
Japan – 7 (including 4 from Diamond Princess)
Hong Kong – 2
France – 2
Taiwan – 1
Philippines – 1

Sa South Korea umabot na sa 1,595 ang naitalang kaso ng COVID-19, mayroon namang 705 na kaso sa MV Diamond Princess, 172 na kaso sa iba pang bahagi ng Japan, 470 na kaso sa Italy at 139 na kaso sa Iran.

Read more...