Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 14 kilometers southwest ng Makilala 9:03 ng umaga ng Huwebes (Feb. 27).
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 11 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng naturang lindol:
Intensity V – Kidapawan City; Tulunan, Cotabato
Intensity III – Bansalan at Hagonoy, Davao Del Sur
Naitala din ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity IV – Kidapawan City
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Koranadal City; Tupi, South Cotabato
Intensity I – Alabel, Sarangani; Davao City
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES