Sinuspinde na ng Saudi Arabia ang pag-iisyu ng visa sa mga nais bumisita sa Mecca kasunod ng pangamba sa paglaganap ng COVID-19.
Ayon sa Saudi foreign ministry, suspendido ang pagpasok sa Saudi Arabia ng mga pilgrim na nais lumahok sa taunang Islamic pilgrimage sa Mecca.
Libu-libong katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagtutungo sa Mecca taun-taon.
Ayon pa sa foreign ministry suspendido rin ang pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan na mula sa mga bansang matindi ang panganib sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES