Janine Gutierrez iniwanan ng kaniyang driver habang nagwi-withdraw sa ATM sa Makati

Ikinuwento ng aktres na si Janine Gutierrez ang nakakatuwang pangyayari nang maiwanan siya ng kaniyang driver habang siya ay nagwi-withdraw sa ATM sa Makati City.

Ibinahagi ni Janine ang kwento sa pamamagitan ng tweet na inumpisahan niya sa salitang “Lahat talaga nang-iiwan”.

Ayon kay Janine, binuksan niya ang kotse para ibalik ang kaniyang cellphone at kunin ang kaniyang wallet.

Matapos ito ay tumawid siya sa kabilang bahagi ng kalsada para mag-withdraw.

Pagbalik niya ay wala na ang kaniyang driver at wala na rin nag kotse.

Inakala umano ng driver na sakay niya na si Janine kaya umalis na ito.

Naghanap pa ang aktres ng mahihiraman ng cellphone para matawagan niya ang kaniyang ama upang tawagan ang driver na siya ay balikan.

Ayon kay Janine, nakarating na ng Mandaluyong City ang driver nang hindi namamalayan na hindi siya nito sakay.

Read more...