Full implementation ng travel ban sa Gyeongsang Province sa South Korea nakabinbin pa ayon sa BI

Nakbinbin pa ang full implementation ng travel ban sa Gyeongsang Province sa South Korea.

Ayon sa pahayag ng Bureau of Immigration, hinihintay pa nila ang kopya ng resolusyon ng interagency task force on emerging infectious diseases hinggil sa pinairan na partial ban.

Ayon sa BI mayroon silang mga nais linawin sa task force hinggil sa naturang travel ban.

Sa ngayon ang tanging malinaw sa BI ay bawal pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mula sa Daegu City at North Gyeongsang Province.

β€œThe ban is selective, as only foreigners coming from these areas are disallowed from entering the country,” ayon sa BI.

Ipinatutupad rin ng BI ang travel ban para sa mga Pinoy na paalis patungo ng South Korea.

Tanging ang mga OFWs lamang, ang mga mayroong permanent residents, at student visa holders ang papayagang makaalis.

Read more...