1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng tindahan ng spare parts ng motorsiklo sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, Miyerkules ng gabi (February 27).

Nakilala ang nasawi na si Raymart Bucad, 21 taong gulang.

Ayon sa mga mga kasamahan ng biktima sa tindahan, huminto sa tapat ng tindahan ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo na naka-helmet. Bumaba ang isa sa sakay ng motor, nilapitan si Bucad at pinagbabaril na nito ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na ikinamatay nito habang isang lalaking nakatambay naman sa tindahan ang nadaplisan ng bala.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pamamaslang.

Read more...