Dumating sa paliparan ang mga dayuhan Martes (Feb. 25) ng gabi.
Ayon kay Dr. Terence Anthony Bermejo, pinuno ng Bureau of Quarantine sa Central Visayas, ituturing nang persons under monitoring ang mga dayuhan.
Magugunitang kahapon ay inanunsyo ng pamahalan ang pagpapatupad ng travel ban sa North Gyeongsang Province ng South Korea.
Bahagi ng naturang probinsya ang Daegu City.
Mayroong direct flight sa Mactan Airport galing sa Daegu City.
Aalamin ng health officials kung naasan ang mga dayuhan at kung saan-saang lugar sila nagtungo.
Sa sandaling sila ay mahanap na, susuriin ang mga ito at ang makikitaan ng sintomas ay agad dadalhin sa ospital.