Cement mixer tumagilid sa C-5 Libis, daloy ng traffic maagang naperwisyo

Maagang naperwisyo ang daloy ng traffic sa C-5 sa bahagi ng Libis Quezon City makaraang tumagilid ang isang cement mixer pasado ala 1:00 ng madaling araw.

Ayon sa driver ng mixerna si Michael Timtim, 60 kph lang ang kanilang takbo nang madinig niyang may tumutunog sa ilalim ng sasakyan.

Bumigay pala ang propeller ng mixer at sumayad na sa kalsada hanggang sa tuluyan nang tumagilid ang sasakyan.

Wala namang nasaktan sa aksidente pero matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang naidulot nito.

Alas 4:00 ng kasi ng madaling araw nang maitayo ng ang mixer at mahatak ng MMDA.

Read more...