Daan-daang pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

Mahigit 200 bahay ang natupok sa sunog na naganap sa Brgy. Suba, Cebu City.

Daan-daang pamilya ang nalawan ng tirahan at pansamantalang nagpalipas ng magdamag sa Sports Complex ng Brgy. Pasil at Suba.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng bahay ng isang Jerry Cabido pasado alas 7:00 ng gabi.

Mayroon umanong narinig na pumutok at pagkatapos ay nakaamoy na ng usok sa bahay ni Cabido.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunogat tinatayang aabot P1.5 million ang halaga ng pinsala.

Naapula ang apoy bago mag alas 9:00 ng gabi.

Read more...